andorusan:
HOY PAPS! NAMI-MISS NA KITANG ADIK KA! NASAN KA NA? BAKIT HINDI KA NA NAGPAPARAMDAM? Miss ko na kulitan nating dalawa :( drama ok haha kasi naman eh T^T hindi na kita nakikitang onlline sa FB, tapos pati dito sa tumblr hindi ko na din ata nag-oonline, yung totoo? tatay ka na ba? oy Ninong ako aah? kapag hindi ipapasalvage kita promise loljk
Seryoso na. Paps/Faps/Papi ang tawagan namin, nagkakilala kami last year last year pa! Nung ohyeahshuffle pa ata ang URL ko. Nakakamiss kausap ang lalaking ‘to, yung feeling na parehas kayo ng iniisip, tapos laging kayong magkasundo. Halos kapatid na nga ang turing ko dyan kasi, halos dati, siya lang ang nakaka-usap ko ng madalas, bago pa nauso ang potang “Whoa there!” na yan. Nagulat nga din yan nung nalaman niyang Bisexual ako haha at naiyak ako nung ipinag-tanggol ako niyan, tapos sabi niya, walang magbabago, best friends pa din kami. At kung napapa-isip kayo na kung nagustuhan ko man yan, nako! hindi! ang libog niyan! hahahahahaha loljk ayun, busy na siya, ine-enjoy ang natitirang araw niya bago siya mag-review para sa board exam nila.
Paps, i miss you, nakaka-miss ka, tengene mo! wag ka naman magpa-miss ng sobra! T^T
Pota. Kailangang talagang ipagkalandakan ang pangalan? Kulang na lang ng middle name oh! Hahaha. Nakakatouch naman eto paps. Huhuhu. Eh kasi naman, wala naman akong ginagawa pero ewan ko ba kung bakit sobrang busy ng pakiramdam ko. Ang gulo lang eh.
Ilang days na lang aalis na ako, kaya lalo na akong walang time. Kelangang magseryoso muna at ang baba ng passing rate ng sa CPA Board exam ngayon, kailangan kong humapit. Pero kung may time ako at may time ka, lumuwas ka sa Manila, kita tayo. Libre mo ako kahit fish ball lang sa kanto! Hahaha.